Sabi nila masaya daw mainlove, lalo na kapag mahal ka rin ng mahal mo, masarap daw ang feeling pag magkasama kayo, sabi nga ng iba ” feels like heaven”. Hayyyyy!!! Oo nga, masaya pero what if hindi ka mahal ng mahal mo?
Di ba? Masakit? Hindi naman kasi parating masaya eh! Actually, mas madalas pa nga tayong nasasaktan. Kasi often times, my mahal ng iba ung mahal natin. Pero hindi naman natin sila masisisi. Alam mo un!
Sabihin na natin na mahal ka nga niya ngaun. Pero panu pag nakahanap na siya ng bago? Pano pag bigla na lang siyang nawalan ng interes sayo? Di ba masakit? Ang sakit pag sinabi niyang “Sori,kasi hindi na kita mahal”
Pero ang pinakamasakit na part dun, may iba siyang mahal . Sa mga times na ganun, siguro iiyak ka na lang ng iiyak. Dahil nga napakasakit. Iisipin mo kung anong pagkukulang mo. Anong mga nagawa mong mali. Madalas pa nga iiyak ka na lang bigla dahil wala kang maisip na dahilan.
Maiisip mo pa na ginago ka lang. Dahil, sabi ng ibang tao, ayun nga, pinagmukha ka lang daw niyang tanga. Pero dahil nga mahal na mahal mo siya, hindi ka naman maniniwala sa mga taong yon. Minsan isip ka ng isip ng paraan para makalimutan siya. Pero maiisip mo sa huli na hindi mo pa rin kaya. Nakakalungot, kasi kahit na may mahal na siyang iba, mahal na mahal mo pa rin siya.
Kahit na nasasaktan ka na, dahil nga parati mo siyang naririnig na nakikiusap sa mga kaibigan niya tungkol sa bago niyang GF/BF. Andun ka pa rin, di ka umaalis, kasi gusto mo siyang makita. Gusto mo sana siyang makasama, gusto mo pa din maging close sa kanya, at gusto mo pa din siyang suportahan at tulungan. Never ka nagalit sa kanya, eventhough sinaktan ka niya ng ganun kasakit at pagtatanggol mo pa siya sa mga tao at friends mo. Parati mong sasabihin “Hayaan niyo na, mahal niya yung mahal niya eh” pero deep inside nasasaktan ka.
Madalas, gustong-gusto mo ng umiyak sa harap niya at tanungin kung anung dahilan sa break-up niyo, pero hindi mo magawa. Kasi ayaw mong makita ka niyang nahihirapan, malungkot at umiiyak.
Minsan pa nga, sobra-sobra na yung pagiging tanga mo para sa kanya. Pero wala pa rin, hindi niya sinusuklian. Pero anu nga ba ang ilalaban mo sa kanya? Eh hindi ka na nga niya mahal!
Tapos humihingi ka ng advices sa mga friends mo, madami nga silang ibinigay, pero hindi mo naman magawa! Hindi mo kasi kayang saktan ung taong mahal mo. Gagawin mo lahat para lang maging masaya siya, kahit na ang ibig sabihin nun, ikaw ang iiyak
At eto pa! Pinaiyak ng bagong GF/BF ung mahal mo. Tama ba naman un? Eto ka, gustong-gustomg sugurin at gerahin ung bagong GF/BF. Pero di mo magawa, kasi ayaw niya, hindi siya pumapayag kasi nga mahal na mahal niya. Ang naakainis pa dun, nung nagkakilala kayo ng GF/BF niya, sinabihan mong “mahalin mo yan ah!, at wag na wag mong papaiyakin” pero di ba, ampota! Wala ka rin naman magawa kasi nga, ayaw niyang ipagalaw.
Meron pang mas masakit dun, ung pag naririnig mong may nagtatanong sa kanya kung mahal ka pa niya. Tapos ang isasagot niya, ” hindi na, wala na talaga” sa mga times na ganun, ang sarap umiyak kasi sa kanya na mismo nanggaling na wala na pero kahit na ganun, andyan ka pa din lagi, hindi siya iiwan.
Bakit nga ba tayo nagiging tanga pag nagmamahal? Akala ko ba masaya, akala lang pala. Hindi ganun kasaya mainlove. Sa una, oo, mamahalin ka niya, pero darating din yung panahon na iiwan ka niya.